Linggo, Enero 25, 2015

tsinelas



Replekson:Hindi Naging makasarili si rizal dahil nang mahulog na ang kanyang tsinelas ay agad di niyang tinapon ang kaparehas nito dahil hindi mapapakanibangan pag kulang nang kapares di bale na siya ang mawalan inisip pa niyaang makakuha nang mag kares na tsinelas sa dagat

Ang Tsinelas -Anekdota ni Jose Rizal
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
Ang Tsinelas ni Rizal:
"Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. "Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

noli me tangere


Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

Repleksyon:S boud palng malalaman na natin ang mga kapalaran ni crisostomo ibarra at si maria clara .Napakita din ang mga salik kung bakit naisulat ni rizal ang noli tulad nang pang aapi nang mga prayle tulad ni padre damaso


ang aking kabata

Ang aking kabata ni Jose rizal

Repleksyon: Bata palang si rizal naisulat na niya ang tulang ang aking kabata na inaangkop ni rizal sa mga kabataan ngayon na dapat mahalin natin ang sariling atin kaysa sa mga bangyagang wika tulad nang koreano at marami pang iba dahil sa pag pasok nang modernong panahon                                       

repeksyun

 Repleksyon:enero 20-24
           Magandang buhau sa inyong lahat.Ngayon linggo nag simula na ang ikaapat na markahan o hling kwarter para sa taong 2014-2015. Naging   kapanapanabik ang mga araling ngayun markahan dahil ngayon pag aaralan na natin ang ating mga akda na isinulat nang ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal na ang Noli me Tangere na ibig  sabihin ay "Touch Me Not". Nag bigay na kagad si Gng mixto nang aming magiging produkto para sa markahan ang Short film at ang Trailer parin katulad nang nakaraan na markahan.Sa unang linggi palang nabigay na lahat ang mga aralin mula sa noli me tangere at ang mga naging tula ni rizal.Noong miyerkules wala ang aming guro kundi pumalit naman siginoong mixto para mag bigay nang paunang pag susulit sa amin .Matapos ay aming sinagutan at nakakuha lamang ako nang 11/30 .Kinabukasan ay bumalik na aming guro na  at nagtanong kung anu ang nangyare kahapon kung sino daw ang nakakuha nang mataas  na marka.Tapos nag karoon ng pagsasanay sa tinalakay na mga  bakit na isulat ang noli me tangere .Mas maganda ang aming Naging biyernes dahil nagkaroon nang debate laban sa dapat bang panulat ang ginamit ni rizal ang kanyang panulat sa kapanakan nang bayan?
                                            marlon aclon

Miyerkules, Enero 14, 2015

repkleksyun para sa pasko at bagong taon

Repleksyon :

     Ngayung bakasyon marami sa lahat ay nag diwang nang masaya noong pasko at bagong taon.Paano naman ako hindi ko ata ramdam ang pasko at maging ang bagong taon parang hindi rin naging masay sa akin .
      Bago pa ang pasko at bagong taon ,pumunta kami nang mga kaklase ko sa sports center para mag laru nang baliboll at pagtapos namin ay dumeretso na rin kami sa riverbanks o ilog. Niging masaya ang aking christmas party  dahil kasama ko ang mga kaibigan ko .
   Na ulit muli ang pag punta namin sa sa sports center noong dec 21 nang hapun  ayun pag uwe namin ay pagod ,naubusan nang mga pera .
   Nang sumapit na ang pasko ,nagsimba ako kasama  si emanuel pendre na kaibigan  para magsimba sa lumang bayan . pag Uwe ko galing simba at sakto naman ang noche buena namin  .kinaumagahan 
nahihiya pa ako na lumapit sa mga ninong ko para humingi nang aginaldo ..
   Nang sumapit na ang bagong taon hindi rin naging masaya dahil nakatulog ako kakabasa nang ebook sa cellphone.\

                          MALIGAYANG PASKO AT MALIGONG BAGONG TAON PO


 

Linggo, Disyembre 7, 2014

elihiya


Elehiya sa kamatayan ni kuya



Hindi pa panahon!
Sa gulang na dalawampu't isa, na punong-puno ng buhay.
Malungkot niyang paglalakbay, ngayo'y hindi na matanaw.
Panganay na anak, taglay ang hindi na mabilang na pangarap.
Sa gitna ng di natupad na pangarap at di naipadamang pag-ibig.
Natapos na ang burol.
Sa gitna ng makulimlim na panahon.
Paniwalaa't dili, may pagkabagabag at panghihinayang.

Ano ang tanging naiwan
Nakakuwadradong mga larawang-guhit, poster at kinunang larawan.
Aklat, talaarawan at mga damit.
Wala nang dapat pang ayusin,
Isang ulilang teheras.
Natapos na, sa pagitan ng mga luha, mapait na kapalaran.
Ang maamong mukha, ang malamyos na tinig.
Ang matinis na halakhak,
Mga ligayang di-malilimot.

Patuloy ang pagdarasal
Kasama ang pagdadalamhati, pagluha at pagsisisi
Upang magkaroon ng kapayapaan ang kanyang walang hanggang pagpapahinga
Mula sa di mabilang na mga taon ng paghihirap
Sa pagtuklas ng karunungan naging mailap,
Sa paghanap ng magbibigay-katuparan sa pinakamimithing edukasyon,
Luha'y natuyo, lakas ay pumanaw.
Ano ang kinahantungan
Ang hiram na buhay, tuluyang nawala!

Pema, ang imortal na pangalan.
Mula sa nilisang nangungulilang tahanan
Walang naiwan, ni imahe, ni anino, ni katawan!
Balana'y nagluksa at nagsisiyukod,
Maging pananim ay kumakaway ng pamamaalam, ang tag-araw tahimik na tumatangis.
Ganoon din ang lahat ng nag-alay ng dakilang pagmamahal,
Ang isang anak ng aking ina, kailanma'y hindi na masisilayan pa
Ang katuparan ng minimithing pangarap!

Linggo, Nobyembre 30, 2014

MATEO





1Ito ay sapagkat
ang paghahari ng langit
ay katulad sa isang may-ari ng sambahayan 
na lumabas nang maagang-maaga
upang umupa ng mga manggagawa 
sa kaniyang ubasan.
2Nang nakipagkasundo na siya sa mga manggagawa
sa isang denaryo sa bawat araw,
sinugo na niya sila sa kaniyang ubasan. 
3Lumabas siya nang mag-iikatlong oras na
at nakita niya ang iba
na nakatayo sa pamilihang dako na walang ginagawa.
4Sinabi niya sa kanila:
Pumunta rin naman kayo
sa ubasan
at kung ano ang nararapat,
ibibigay ko sa inyo.
Pumunta nga sila.
5Lumabas siyang muli
nang mag-iikaanim
at mag-iikasiyam na ang oras
at gayundin ang ginawa.
6Nang mag-ikalabing-isang oras na,
lumabas siya
at natagpuan ang iba
na nakatayo at walang ginagawa.
Sinabi niya sa kanila:
Bakit nakatayo kayo rito 
sa buong maghapon
na walang ginagawa?
7Sinabi nila sa kaniya:
Ito ay sapagkat walang sinumang umupa sa amin.
Sinabi niya sa kanila:
Pumunta rin naman kayo
sa aking ubasan.
Anuman ang nararapat,
iyon ang tatanggapin ninyo.
8Nang magtatakip-silim na, 
sinabi ng panginoon ng ubasan
sa kaniyang katiwala:
Tawagin mo ang mga manggagawa.
Ibigay mo sa kanila
ang kanilang mga upa,
mula sa mga huli hanggang sa mga una.
9Paglapit ng mga dumating
ng mag-iikalabing-isang oras,
tumanggap ng isang denaryo ang bawat isa.
10Nang lumapit
ang mga nauna,
inakala nilang
sila ay tatanggap ng higit pa.
Ngunit sila ay tumanggap din
ng tig-iisang denaryo.
11Nang matanggap na nila ito,
nagbulung-bulungan sila
laban sa may-ari ng sambahayan.
12Sinabi nila:
Ang mga huling ito ay isang oras lamang gumawa
at ipinantay mo sa amin 
na nagbata ng hirap
at init sa maghapon.
13Sumagot siya sa isa sa kanila: 
Kaibigan,
wala akong ginawang kamalian sa iyo.
Hindi ba nakipagkasundo ka sa akin
sa isang denaryo?
14Kunin mo ang ganang sa iyo
at lumakad ka na.
Ibig kong bigyan itong huli nang gaya ng ibinigay ko sa iyo.
15Hindi ba nararapat lamang
na gawin ko ang ibig kong gawin 
sa aking ari-arian? 
Tinitingnan ba ninyo ako nang masama
dahil ako ay mabuti?
16Kaya nga, 
ang mga huli ay mauuna
at ang mga una ay mahuhuli…

GOOGLE,