Linggo, Nobyembre 30, 2014

MATEO





1Ito ay sapagkat
ang paghahari ng langit
ay katulad sa isang may-ari ng sambahayan 
na lumabas nang maagang-maaga
upang umupa ng mga manggagawa 
sa kaniyang ubasan.
2Nang nakipagkasundo na siya sa mga manggagawa
sa isang denaryo sa bawat araw,
sinugo na niya sila sa kaniyang ubasan. 
3Lumabas siya nang mag-iikatlong oras na
at nakita niya ang iba
na nakatayo sa pamilihang dako na walang ginagawa.
4Sinabi niya sa kanila:
Pumunta rin naman kayo
sa ubasan
at kung ano ang nararapat,
ibibigay ko sa inyo.
Pumunta nga sila.
5Lumabas siyang muli
nang mag-iikaanim
at mag-iikasiyam na ang oras
at gayundin ang ginawa.
6Nang mag-ikalabing-isang oras na,
lumabas siya
at natagpuan ang iba
na nakatayo at walang ginagawa.
Sinabi niya sa kanila:
Bakit nakatayo kayo rito 
sa buong maghapon
na walang ginagawa?
7Sinabi nila sa kaniya:
Ito ay sapagkat walang sinumang umupa sa amin.
Sinabi niya sa kanila:
Pumunta rin naman kayo
sa aking ubasan.
Anuman ang nararapat,
iyon ang tatanggapin ninyo.
8Nang magtatakip-silim na, 
sinabi ng panginoon ng ubasan
sa kaniyang katiwala:
Tawagin mo ang mga manggagawa.
Ibigay mo sa kanila
ang kanilang mga upa,
mula sa mga huli hanggang sa mga una.
9Paglapit ng mga dumating
ng mag-iikalabing-isang oras,
tumanggap ng isang denaryo ang bawat isa.
10Nang lumapit
ang mga nauna,
inakala nilang
sila ay tatanggap ng higit pa.
Ngunit sila ay tumanggap din
ng tig-iisang denaryo.
11Nang matanggap na nila ito,
nagbulung-bulungan sila
laban sa may-ari ng sambahayan.
12Sinabi nila:
Ang mga huling ito ay isang oras lamang gumawa
at ipinantay mo sa amin 
na nagbata ng hirap
at init sa maghapon.
13Sumagot siya sa isa sa kanila: 
Kaibigan,
wala akong ginawang kamalian sa iyo.
Hindi ba nakipagkasundo ka sa akin
sa isang denaryo?
14Kunin mo ang ganang sa iyo
at lumakad ka na.
Ibig kong bigyan itong huli nang gaya ng ibinigay ko sa iyo.
15Hindi ba nararapat lamang
na gawin ko ang ibig kong gawin 
sa aking ari-arian? 
Tinitingnan ba ninyo ako nang masama
dahil ako ay mabuti?
16Kaya nga, 
ang mga huli ay mauuna
at ang mga una ay mahuhuli…

GOOGLE,

PARABULA NANG BANGA


                                                                         Parabula ng Banga

    "Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa," ang tagubilin ng Inang BAnga sa kanyang anak. "Tandaan mo ito sa buong buhay mo." "Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?" ang tanong ng anak na banga na may pagtataka.
     "Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga." Kaya't sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang isipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng banga. Nakita niya ang eleganteng bangang porselana, sa isang makintab na bangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga.Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba't ibang materyal at iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate, at may dilaw. Sila ay may kani-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay. Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o dekarasyon.
     Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo sa lawa. Noong una, siya'y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kaniya ang paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-pantay. Naakit siya sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang disenyo at matitingkad ang kulay ng pintura. May palauting gintong dahon ang gilid nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kanyang tindig.
     "Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama," bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at sinabing, "Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan."
     "Tayo na," sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa. Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig. Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon. Nang sila'y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga ay tinangay papalapit sa kanya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nang malakas. Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.
     Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila. Habang siya'y nabibitak at unti-unting lumulubog sa ilalim ng tubig, naalala ng bangang lupa ang kaniyang ina.


TALINGHAGA



Ang talinghagatalinhaga[1], o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula saBibliya.[2] Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ngtao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
GOOGLE:


Sabado, Nobyembre 22, 2014

repleksyon sa pag hahambing

 REPLEKYON :
                         
.................................................................................
                                    Ang aking repleksyon ngayong linggo ay natutunan ko paano gumamit ng paghahambing sa dalawang katangian.inihambing din namin ang mga tauhan sa epikong Rama at Sita.May dalawang paghahambing ang di magka tulad at di mag katulad.Sa dimag katulad ay may dalawang uri ang pasahol at palamang.Nagkaroon nang  pagsasanay tungkol sa dalawang paghahambing
.................................................................................

Huwebes, Nobyembre 20, 2014

dalaawang uri ng pag hahambing

 

2 Uri ng Paghahambing

1. Pahambing o Komparatibo ginagamit kung naghahambing ng dalawang  magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya , pangyayari, at iba pa.May dalawang uri ang kaantasang pahambing:  a. Paghahambing na magkatulad- Ginagamit ito kung ang dalawang    pinaghahambing  ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga salitangparis, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula, mukha/ kamukha.  ka- nangangahulugan ng kaisa o katulad            Halimbawa: Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia.             magka- nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad.            Halimbawa: Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.              sing-(sin- /sim) gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat ng uri ng pagtutulad.            Halimbawa: Magkasingganda ang India at Singapore.  
Ang maramihang sing-ay naipapakita sa pag-uulit ng unang  pantig ng salitang-ugat. Muli, wala ang ganitong pattern sa mga  rehiyon ng bansa na hindi gumagamit ng reduplikasyon.             kasing- (kasin- /kasim-)  ang paggamit at kahulugan ay katulad din  ng sing,(sin/sim). Pansining kapag ginamit sa pangungusap, ganito ang pattern ng pagkabuo: kasing + s.u + ng/ ni + pangngalan + si/ ang + pang.               
Halimbawa: Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang sentro ng teknolohiya.              magsing-(magkasing-/magkasim) ang pinagtutulad ay napipisan             sa paksa ng pangungusap.                 
Halimbawa: Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.             Ga/ gangga- nangangahulugan ng gaya, tulad, para,paris                 
Halimbawa: Gamundo ang pagpapahalaga  nila sa kalayaan sa wika at relihiyon upang magkaroon ng pagkakaisa. 
b. Paghahambing na Di-Magkatulad kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.  May dalawang uri ang hambingang di magkatulad:  
1. Hambingang Pasahol- May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng paghahambing.  Lalo - nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay kung ngalang tao ang pinaghahambing, /kaysa / kaysa sa kung ngalang bagay / pangyayari.  Di-gasino - tulad ng .ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya,tulad, para o paris na sinusundan ng panandang ni.  Di-gaano - tulad ng- tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang ginagamit.  Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas  sa karaniwang uri. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at di-gaano.  
2. Hambingang Palamang- may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod:  Lalo - Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay. Halimbawa: Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.  Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing. Halimbawa: Higit na malinis ang isa sa isa.  Labis-tulad din ng higit o mas Halimbawa: Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.  Di-hamak-kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri Halimbawa: Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa nga Hindu. 
3. Modernisasyon/katamtaman: Naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na sinusundan ng pang-uri ,sa paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han. 

rama at sita



Rama At Sita

(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)
      
       Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “ Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama. “ Hindi maaari sabi ni Rama, “ may asawa na ako”Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka.Nagselos nang husto si Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.
        “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?”, sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga.“Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito.”Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.
        Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “Kakampi nila ang mga Diyos.”, Sabi ni Maritsa.
        “Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.
Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.” Baka higante rin iyan,” paalala ni Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “ Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “ Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”
        Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. Hindi, kailangan kitang bantayan,”sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw pa ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita.” Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari.” sabi nitokay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.
        Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyang kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga!
        Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwaheng hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok. Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.
        Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.
        Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila.Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
        Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.
        Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

Linggo, Nobyembre 2, 2014

kanlurang asya

Mga Bansa Sa Kanlurang Asya

1.>turkey 
2.>Iran 
3.>Afghanistan 
4.>Cyprus 
5.>Lebanon 
6.>Israel 
7.>Jordan 
8.>Syria 
9.>Iraq 
10.>Kuwait 
11.>Saudi Arabia 
12.>YEMEN 
13.>OMAN 
14.>U.A.E 
15.>Qatar 
16.>Bahrain 

ilustrado

Proyekto sa Filipino
para sa ikatlong  at ikaapat na markahan



Ilustrado