dalaawang uri ng pag hahambing
2 Uri ng Paghahambing
1. Pahambing o Komparatibo ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya , pangyayari, at iba pa.May dalawang uri ang kaantasang pahambing: a. Paghahambing na magkatulad- Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga salitangparis, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula, mukha/ kamukha. ka- nangangahulugan ng kaisa o katulad Halimbawa: Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia. magka- nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad. Halimbawa: Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore. sing-(sin- /sim) gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat ng uri ng pagtutulad. Halimbawa: Magkasingganda ang India at Singapore.
Ang maramihang sing-ay naipapakita sa pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat. Muli, wala ang ganitong pattern sa mga rehiyon ng bansa na hindi gumagamit ng reduplikasyon. kasing- (kasin- /kasim-) ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing,(sin/sim). Pansining kapag ginamit sa pangungusap, ganito ang pattern ng pagkabuo: kasing + s.u + ng/ ni + pangngalan + si/ ang + pang.
Halimbawa: Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang sentro ng teknolohiya. magsing-(magkasing-/magkasim) ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Ang dalawang bansa ay magkasingyaman. Ga/ gangga- nangangahulugan ng gaya, tulad, para,paris
Halimbawa: Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa wika at relihiyon upang magkaroon ng pagkakaisa.
b. Paghahambing na Di-Magkatulad kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap. May dalawang uri ang hambingang di magkatulad:
1. Hambingang Pasahol- May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng paghahambing. Lalo - nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay kung ngalang tao ang pinaghahambing, /kaysa / kaysa sa kung ngalang bagay / pangyayari. Di-gasino - tulad ng .ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya,tulad, para o paris na sinusundan ng panandang ni. Di-gaano - tulad ng- tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang ginagamit. Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at di-gaano.
2. Hambingang Palamang- may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod: Lalo - Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay. Halimbawa: Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa. Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing. Halimbawa: Higit na malinis ang isa sa isa. Labis-tulad din ng higit o mas Halimbawa: Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan. Di-hamak-kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri Halimbawa: Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa nga Hindu.
3. Modernisasyon/katamtaman: Naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na sinusundan ng pang-uri ,sa paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento